Pansin namin ang mga non-legit na reputation na naibigay ngayon at tingin namin ay fraud iyon o maling pag gamit ng reputation system, so starting today, irereview po namin ang reputation ng bawat isa sa inyo at kung meron man po dun ang non-legit, tatanggalin po namin iyon.
UPDATE:Q: Sino ba dapat ang mga dapat bigyan ng reputation?
A: Ito po yun nagpopost na malaki ang maitutulong sa nakararami. HIndi lang po para sa iisang tao.
Example: Si igoL ay nagrequest ng custom avatar sa Graphics section. Tapos may isang user na naggrant ng kanyang request. Pero yun avatar nya ay nakacustomize sa pangalan nya. Yan po ay isang halimbawa na hindi na dapat bigyan pa ng reputation dahil isang personal request naman ang ginawa ni igoL.
Syempre depende sa sitwasyon yan. Kung ang naggragrant naman ay may sariling thread at halos lahat ng members ay ginagawan nya ng signature or avatar. Yan po ay pwede bigyan ng reputation.
Mas maganda po na magisip muna mabuti kung karapat dapat ba na bigyan ng reputation ang isang user dahil mabibigyan ang nagbigay ng reputation ng kaukulang parusa.
Kapag ang isang user ay nakitang nagbigay ng reputation na hindi karapat dapat. Ito po ang dapat gawin.1. Bigyan ng negative rep na katumbas ng naibigay na rep sa nakatanggap ng reputation. Ito po ay para maibalik sa dati ang kanyang total reputation.
2. Bigyan ng 2x negative rep na katumbas ng ibinigay na rep sa user na nagbigay ng reputation.