Chapter 4: Kuya, Ang Ganda
Naman Ni AteDinala niya ako sa isang
Cellphone and Accesory Shop.
Nagtaka ako kasi di ko magets
kung bakit sa lahat ng pwede
naming puntahan e dito pa talaga
niya ako dinala at tsaka wala naman siyang sinabi sa akin na
bibili siya ng cellphone. Hindi ko
tuloy matantya kung anong
gusto niya mangyari.
"Uy, bakit tayo nandito? May
ipapabili ka siguro no? Naku
naman o, sa ibang araw nalang
please. Limang daan lang dala ko
at di ko afford bumili ng phone
ngayon para sa 'yo," pabulong kong sinabi.
Napatingin sa akin lahat ng mga
taong kasama namin sa loob
kaya medyo nahiya ako sa sarili
ko.
"Duh? Mag-isip ka nga! Aanhin ko
naman ang cellphone, ha?
Anyway, ayaw mong magmukha
kang baliw sa paningin ng mga
tao di ba? So, nandito tayo kasi I
have an idea kung pano natin masosolusyunan 'yang problema
mo,"
Napakamot ako ng ulo ko, "Wait.
Anong solusyon naman 'yan, ha?
Sabihin mo nga dali. Grabe
malulusaw na yata ako sa mga
titig nila. Please, gusto ko na
talaga umalis dito. Sige ka, pag di mo sinabi di na talaga kita
kakausapin kahit kailan," bulong
ko at gaya ng inaasahan ko, muli
kong naagaw ang atensyon ng
mga tao.
Peste, nakakainis. Punong-puno
na talaga ako. Sa tuwing
kinakausap ko siya, palagi ko
nalang nakukuha ang atensyon
ng mga tao. Hiyang-hiya na ako.
Di ko na talaga matitiis 'to.
"Nandito tayo kasi bibili ka ng
headset, headphone or whatever
is that basta 'yung parang may
microphone. Hindi yung gamit ng
mga call center agent ang
tinutukoy ko ha? 'Yung typical headset lang. Para kapag
kinausap mo 'ko, iisipin nila na
may kausap ka sa phone mo.
Naisip ko lang 'tong idea na 'to
Jeth kasi halata sa itsura mo
kanina na naaasiwa ka na sa mga taong panay ang titig sa 'yo
kagaya nila. Tsaka para na rin di
ka nila mapagkamalang baliw na
nagsasalita mag-isa. It's up to
you kung susundin mo
suggestion ko o hindi. Basta next time na pagtinginan ka ulit
nila, 'wag mo na 'kong sisihin
ha?" paliwanag niya sabay
kindat.
Napahimas ako sa baba ko,
"Hmmnn okey not bad. Nice
idea,"
Magsasalita na sana ulit si Shan
ngunit isang babae na naman
ang biglang lumapit sa amin.
Nagulat ako dahil siya na naman
ulit. Kung di niyo naalala, siya
yung babae kanina sa may entrance.
"Hey, ikaw ulit. Kanina pa ako
nabobother sa 'yo. Huwag mong
sabihing hanggang ngayon
nagpapractice ka pa rin ng speech
mo?" tanong niya at sa mga
sandaling ito di ko na alam kung anong isasagot ko sa kanya.
Medyo nagtaka lang kami ni
Shan kasi ito na ang
pangalawang beses na lumapit
siya sa akin.
Lumunok muna ako ng laway
bago nagsalita, "Ah ah o-oo, pe-
pero this time concluding rites
naman pinapractice ko," sagot ko
sabay ngiti.
Tinaasan niya ako ng kilay, "Are
you serious? Napakabigat naman
yata ng role mo. Are you the
upcoming cum laude in your
school?"
"Mukha mo! Di naman ikaw
kinakausap niya. Stay away!
kanina ka pa umeepal sa usapan
namin," narinig kong sinabi ni
Shan kaya di ko mapigilang
matawa.
"May nakakatawa ba sa sinabi
ko?" tanong ng babae.
"Ah... Ah... Ya-yah. Na-
nakakatawa nga. Kasi akalain mo
napagkamalan akong cum laude.
What a big joke," sabi ko sabay
tawa.
Kahit hindi na nakakatawa,
tumawa pa rin ako. Kailangan
kong panindigan sa kanya yung
katwiran ko.
"Ganyan ka ba talaga magsalita?
Parang di ka sure sa mga
sinasabi mo,"
"Jeth, tara na. You should not
waste time with that girl,"
narinig kong sinabi ni Shan pero
di ko ito pinansin.
"Oo. Ga-ganito na ta-talaga a-ako
since birth. Ahihi," pautal-utal
kong sinabi para mapanindigan
ulit yung sinabi ko.
Narinig kong humalakhak ng
sobra yung multong kasama ko.
Di pa siya nakuntento at naupo
pa sa sahig na parang baliw.
Bahagya ding tumawa yung
magandang dalagang kausap ko,
"Nakakatuwa ka naman. Ngayon
lang ako nakakita ng taong may
ganyang defect,"
"O-oo. It r-r-runs f-from the
family e," sabi ko at natawa ulit
siya.
"Meaning may kamag-anak ka
with the same case as yours?"
"Jeth, ano ba!?!" sigaw ni Shan
ngunit dinedma ko lang ulit siya.
"Yu-yup! A-absolutely r-right!"
sabi ko sabay ngiti at natawa ulit
siya.
"Ganon ba? Siya nga pala, what
are you doing here? Bibili ka din
ba ng phone?"
"Hi hindi, bi-bibili la-lang sana a-ako ng ba-bagong
headset. Na-nasira ko kasi yu-
yung pinakauna ko e," sabi ko.
"Ah, ganon ba. Ahm, wala ka bang
kasama?" tanong niya.
Sumingit si Shan sa gitna namin, "Jeth, sabihin mo meron at
hinihintay ka na sa carpark. Sige
na, dali! Hindi siya ang sadya
natin dito!" sabi ni Shan at
dinedma ko lang ulit siya.
"Wa-wala e, bakit mo na-
natanong?"
Nakita kong sumimangot si Shan
at tiningnan ako ng masama.
Bahala nga siya sa buhay niya.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
mapapasunod niya ako.
Nakita ko siyang lumayo ng ilang
hakbang at tiningnan kami na
para bang hinihintay kung kailan
kami matatapos sa usapan
namin.
Nabaling ang atensyon ko sa
babaeng kaharap ko, "Wala lang.
Wala din kasi akong kasama,"
sabi niya sabay ngiti.
Napangiti din ako at sa hindi
namin alam na dahilan, bigla
kaming sumabog sa tawa.
Samantala, si Shan nama'y galit
na galit at nakapamewang na
nakatitig sa babae.
Lumapit siya bigla sa babae,
"Hoy, ano gusto mo mangyari?
Hindi naman talaga ikaw ang
sadya niya dito! How dare you
kung magpapasama ka pa sa
kanya!" sigaw ni Shan.
Bigla akong hinawakan sa braso
ng babae, "Halika, I need your
suggestion kung alin sa
dalawang 'to ang bibilhin ko.
Nahihirapan akong magdecide e.
Baka makatulong ka," sabi ng babae sabay kindat at hila sa
akin palapit sa mga nakadisplay
na mga cellphone dummies.
Pinapili niya ako sa dalawang
choice niya at pinili ko yung
pangalawa kahit na wala naman
sa isip ko kung bakit yun yung
pinili ko. Sa totoo lang, hindi
naman talaga ako marunong magcompare ng mga phones.
Sinabi ko lang na mas maganda
yung pangalawa para hindi ako
magmukhang ignorante.
"Hmmn, I agree. Mas maganda
nga 'to compare to the other one.
Sige, I'll buy this one," sabi niya
sabay ngiti. Nagulat ako dahil biglang
sumulpot si Shan sa tabi niya.
"Sus, ang sabihin mo kaya mo
'yan pinili kasi Jeth told you so.
I'm pretty sure na kapag pinili ni
Jeth yung una, yun din pipiliin mo. Naku, basang basa ko ang
galaw mo te!" narinig kong sinabi
ni Shan sa babae.
Pagkatapos kong makabili ng
headset. Nakasabay ko sa
paglabas ng shop yung babae
kanina.
Nakita niya ako kaya agad
siyang lumapit sa akin, "Yhuniz
nga pala," sabi niya sabay alok ng
kamay niya.
Nakipagshake hands naman ako,
"Je-jeth," sabi ko.
Nagulat ako nang biglang
kumunot ang noo niya, "Please
stop acting. Alam ko, di ka naman
talaga ganyan magsalita. Just
say it as it is,"
Medyo napahiya ako kasi
nabuking niya yata yung cover
up ko.
Niyuko ko ang ulo, "I'm sorry. To
tell you honestly, yes your right
nag-aacting lang ako. I hope you
will not take it seriously. Pero
nagsasabi ako ng totoo nung
sinabi kong nagpapractice ako ng speech. 'Wag mo sana akong
pagdudahan," sabi ko.
Nagsinungaling na naman ako.
Pero para naman 'yun sa
ikabubuti ng lahat.
"No, its okey. Kamailan lang tayo
nagkakilala at hindi magandang
impression if we still argue with
that issue. Pero nadali mo ako
don ha, may nalalaman ka pang it
runs from the family," sabi niya sabay suntok sa braso ko.
"Oh, wait," sabi ko tapos
lumingon ako sa paligid dahil
napansin kong nawawala si
Shan.
"Bakit?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay
lumingon ako sa harap ng shop at
don ko nakita si Shan na
nakatingin sa amin ng masama.
Nakasimangot pa siya habang
nakacross arms.
Kinuha ko sa bulsa ko ang phone
ko, "Excuse me. I have a call,"
sabi ko sabay lagay ng phone sa
tenga ko kahit wala naman
talagang tumatawag.
Nagtaka siya nang bumalik ako
sa shop. Lumapit ako kay Shan at
halata sa itsura niya na galit siya
sa akin.
"Paalisin mo nga ang babaeng
'yan. Sumasama pakiramdam ko
lalo na kapag she's within my
range. Hindi ko alam pero may
something na bumabagabag sa
akin kapag nakikita ko siya. I hate her aura,"
"Relax. Okey, gagawa ako ng
paraan. Sandali lang 'to. Just wait
one minute," sabi ko habang
nakalagay pa rin sa tenga ko
'yung phone ko.
"One minute?" tanong niya.
"Yes, one minute and eight
hours. Diyan ka muna, babalikan
kita kapag napaalis ko na siya.
Huwag kang aalis diyan ha, stay
put," sabi ko sabay lagay ng
phone ko sa bulsa ko.
Nakita kong sumimangot na
naman siya. Sa pagkakataong ito,
parang sanay na ako dito at
medyo di na ako tinatablahan ng
kapangyarihan nito.
Tinalikuran ko na siya at agad na
binalikan si Yhuniz na kanina pa
naghihintay sa akin sa malayo.
"Hey, sorry mukhang hanggang
dito nalang ako at di na yata kita
masasamahan pa. Naghihintay
tropa ko sa carpark. Sige, mauna
na ako. Mukhang late na yata
ako, may usapan kasi. Nice meeting you," sabi ko at
tinalikuran ko na siya.
"It's okey, I understand. Sige,
Jeth. Sa uulitin," narinig kong
sinabi niya.
Binalikan ko si Shan at tuwang-
tuwa ako pagkat nandon pa rin
siya sa kinatatayuan niya.
"Akala ko ba aabutin pa kayo ng
eight hours?" tanong niya.
"Ang slow mo naman. Siyempre,
joke lang 'yun no. Tara na nga,"
Pinagtinginan ulit ako ng mga
tao. Naalala ko yung headset na
binili ko kanina kaya kinuha ko
ito at kinabit sa magbilang tenga
ko.
Tinapat ko sa bibig ko ang
microphone, "Ayos ba? Do I look
cool?"
Todo ngiti naman siya at
nagthumbs up pa sa akin.
"Saan nga pala tayo papunta?"
tanong niya.
"Aba, malay ko sa 'yo,"
"Ay onga pala. Nagpapasama lang
pala ako sa 'yo," Nauna siyang naglakad kaya
sumunod naman ako.
"I miss this kind of life talaga,"
sabi niya sabay pikit ng mga
mata at spread ng mga braso.
"Sinabi mo na sa 'kin 'yan
kanina," pa-sarcastic kong sinabi.
"Hmmnp, killjoy. Oh, wait. Tara
don tayo!" sabi niya at sinundan
ko naman siya.
Nagpunta kami sa mga shop ng
mga Women's Apparel at Fashion
Accessories. Medyo naiilang
akong pumasok kasi panay
babae naman ang nasa loob. Di ko mapigilang matawa sa loob ko.
Nakita ko siyang sumimangot,
"Jeth naman o. Halika na,
samahan mo 'ko,"
Kanina pa niya ako gustong hilain
pero di naman niya magawa kasi
multo nga siya.
"Anong gagawin natin dito? May
bibilhin ka ba?" tanong ko.
"Wala. I miss all these stuffs.
Sige na please, samahan mo na
ako,"
Dahil mapilit siya, sinamahan
niya ako sa loob. Kung alam lang
sana niya na kanina pa ako
nagtitiis na mga kalokohang
pinapagawa niya sa akin.
Nagpunta kami sa parang walk-
in closet ng shop. Sunod sunuran
ako sa kanya. Sa tuwing may
nagugustuhan siya damit,
pinapakuha niya ito sa akin at
pinapatapat sa katawan niya. Game na game naman siyang
pumuporma sa harap ng salamin.
Nagulat ako nang biglang may
biglang sumulpot na sales lady
sa harap ko, "Sir, anong
tinitingnan niyo? Para sa
girlfriend niyo po ba?"
"Ah, ah yah. Pero pag-iisipan ko
muna. Nagdadalawang isip pa
kasi ako. Maybe may iba pa
siyang gusto aside from clothes,"
pagsisinungaling ko.
"Don't worry Sir. We have
everything here. Malapit na ang
Christmas, makakatulong kami
sa problema mong panregalo sa
mga minamahal mo,"
Tumabi sa akin si Shan at
nagcross arms, "Tara na nga,
Jeth. Biglang sumama ang ihip ng
hangin dito,"
"Anong hangin pinagsasabi mo?"
"Sir, may sinasabi kayo?" tanong
bigla ng sales lady.
"Ah, wala wala. Nevermind," sabi
ko sabay ngisi.
Lumingon ako kay Shan, "What I
mean is aircon. Ayoko ng
malakas na aircon," sabi niya at
natawa nalang ako.
Lumabas kami ng shop. Next
stop namin sa Arcade. Napatigil
ako sa paglalakad nang bigla
siyang tumigil.
"Nakakamiss dito. Alam mo,
madalas akong nandito with my
friends kapag break time.
Haaiyts, nagdadrama na naman
ako. Anyway, tara na nga,"
Bumili kami ng token at
nagpunta sa stuff toy machine.
Siyempre, di naman kami
pwedeng maglaro ng ibang
games kasi una at higit sa lahat, multo siya pangalawa masyado
naman yatang unfair sa part niya
kung maglalaro ako mag-isa.
Pinangako ko sa kanya na within
five tries makakakuha ako ng
stuff. Game na game naman siya
sa pag-guide sa akin. Nakaapat
na tries na rin kami at muntik na
naming makuha yung stuff toy nung last try. Pero wala pa rin e,
mukhang minamalas yata kami.
Last token ko na. Todo
concentrate ako. Target namin
na makuha yung stuff toy na si
Stitch. Akala ko nung una, di ko
makukuha pero mali pala ako.
Tuwang-tuwa naman si Shan nang makuha ko yung stuff toy.
Lumabas na kami ng Arcade at
nag-ikot ikot. Magtatanghali na
at wala pa ring laman ang tiyan
ko. Ramdam ko na talaga ang
gutom.
"Nagugutom ako," sabi ko.
Naglibot pa kami ng isang beses.
Imbes na magpunta sa fast food
chain, doon kami nagtungo sa
isang Ice Cream stand.
"Isang Cookies and Cream at
isang Strawberry," sabi ko.
Tiningnan ako nung babaeng
tindera, "Sir, may kasama kayo?"
"Wala, ako lang. Di ba obvious?"
pa-sarcastic kong sinabi kaya
natawa si Shan.
Pagkatapos kong magbayad,
naglibot-libot ulit kami.
"Pambihira. Ganyan ka ba talaga
katakaw sa Ice Cream? Pero
alam mo, favorite ko 'yang
strawberry," sabi niya.
"Ang totoo niyan e kaya dalawa
binili ko kasi para sa 'yo sana
'tong isa pero huli na nang
marealize kong di ka nga pala
kumakain nito," sabi ko at
natawa ulit siya.
"Kunwari ka pa. E gustong-gusto
mo naman talagang left and right
yung ice cream mo,"
"It's up to you kung ayaw mong
maniwala," sabi ko
Nag-acting akong parang bata sa
harap niya. Dinilaan ko yung ice
cream na hawak ko sa left hand
ko tapos yung nasa right naman
kaya todo halakhak talaga siya.
"Tigilan mo na nga 'yan. Mahiya
ka naman sa sarili mo, daig mo pa
ang six years old," sabi niya at di
pa rin siya makaget-over sa
tawa niya.
Dumila ulit ako pero this time
pinagdikit ko yung ice cream
tapos nilaro gamit dila ko kaya
napatawa ko ulit siya.
Nagulat kami nang may biglang
sumulpot na batang lalaki sa
harapan naman. Tantya ko'y
nasa anim na taong gulang pa
ang batang 'to kasi wala lang,
hula ko lang.
Bigla akong tinuro ng bata.
Nagulat kami ni Shan. Napatingin
ako sa kanya at ganon din siya
sa akin. Ilang saglit lang, pareho
kaming napalingon sa bata nang
magsalita ito.
"Kuya, kuya. Ang ganda naman
po ni Ate. Bagay kayo,"
--- END OF CHAPTER 4---