
Title :
My Ghostfriend
Genre :
Romance, Comedy, Paranormal.
Prologue :
-Sembreak-
Nagyaya yung dalawa kong kaibigan
na sina rina at clarence na mag out
of town kasi sembreak naman daw namin. Tutal may resthouse naman daw sila clarence sa laguna duon muna daw kami mag stay for 1week. Puro gimik nalang kasi ang ginagawa namin tuwing sembreak para maiba naman.
"Guys i forgot, para may konting challenge, no gadgets allowed for this vacation, kakayanin nyo ba?" sabi ni clarence.
"Sige. Sige. Para mas exiciting ang matatalo may parusa. hihi" sabi rina.
"Wag nyo kong isali dyan. I cant hear anything." sabi ko
"Wag ka ngang KJ aaron. Kung di mo kaya edi talo ka na." sabi ni rina
"Oo nga bro, 1week lang naman. Para maenjoy lang natin ang summer vacation. Para iwas stress na din." sabi ni clarence.
"*sigh* Sige na nga, wala naman ako magagawa."
"Papayag ka din naman pala. Pakipot pa.." sabi ni rina sabay tawa.
"Edi ok na. lets settle this. Bukas na bukas aalis tayo. Wag nyo kakalimutan. 7am. 7am." sabi ni clarence
-KINABUKASAN-
*KRING* *KRING* *KRING*
Nagising ako sa alarm ng alarm clock ko. Nakalimutan ko nga pala na naiset ko ito ng 5am. Medyo tinatamad pa ako bumangon pero nung nakita ko yung oras "6:30am" na pala. Agad agad akong bumangon dahil 7am nga pala ang alis namin. Agad akong nag empake ng mga gamit ko. Hindi ko na napansin ang mga ipinaglalagay ko sa back pack dahil na din sa pagmamadali ko.
*TOK* *TOK* *TOK*
"Sino yan?"
"Hoy bata ka, ano bang pinaggagawa mo dyan. Kanina pa naghihintay mga kaibigan mo dito." galit na sabi ng lolo ko.
"Sandali lang po lo. Sabihin nyo po maliligo lang ako."
"Ikaw talagang bata ka. Sakit ka talaga sa ulo. Bilisan mo !"
Binilisan kong maligo at nag ayos ng sarili pagkatapos bumaba agad ako. Pagkababa na pagkababa ko sinermonan agad ako ng lolo ko. Buti nalang at sanay na ako sa mga sermon nya. Ikaw ba naman ang araw araw pagsasabihan hindi ka masasanay.
"Lo. Puso mo. Diba highblood ka ngayon, so be calm, everything is under control." biro ko.
"Ikaw talaga bata ka. " sabay akmang susugod
Agad akong tumakbo papalapit kila clarence at rina.
"Auntie. Alis na po kame. Ikaw na po bahala kay lolo."
"Hay, aaron. Ikaw talagang bata ka. Sige, mag iingat kayo. "
Niyaya ko kaagad sila clarence at rina na lumabas sa bahay namin. Nagagalit padin kasi si lolo sakin.
"Hoy, aaron san ka pupunta. Hindi pa.."
pahabol na sabi ng lolo ko.
Ng makalabas na kame biglang kinurot ako ni rina sa tenga.
"Ikaw talaga aaron. Napaka immature mo talaga"
"Aww. Ikaw naman manang." sabay pisil ko sa ilong ni rina
"Hey guys. Mag gaganyan nalang ba kayo at hindi na natin itutuloy? Its almost 8am. So what are we waiting for? Lets go. Mahaba haba din ang biyahe natin." sabi ni clarence.
Pumasok na kaming tatlo sa kotse ni clarence. Si rina nasa front seat at si clarence naman ang nagdrive. Ako mag isa sa likod. Watta lonely boy.
Almost 3hrs na kaming bumabiyahe hindi ko na napansin na nakatulog na ako.
*BEEP* *BEEP* *BEEP*
Nagising nalang ako sa malakas na busina ng kotse ni clarence. Mag-gagaabi na pala ng makarating kami sa rest house nila clarence. Napansin ko din na medyo mapuno ang lugar. Bagay na bagay nga pag magbabakasyon ka. May nagbukas ng gate. Bumaba na kaming tatlo at sinalubong kami ng isang
matandang babae.
"Clarence." sabi ng matandang
babae.
Agad lumapit si clarence sa
matandang babae at niyakap.
"Aling Minda. Kamusta na po kayo?
Tagal na po natin hindi nagkita."
"Ayos naman ako clarence, ang laki
mo na ngayon, dati inaalagaan pa
kita ngayon ang laki laki mo na."
sabi ni aling minda.
"Tagal na po kasi natin hindi
nagkita aling minda. Mga 8years na
siguro hehe. Nga po pala eto
kasama ko sina rina at aaron. Mga
kaibigan ko po." sabi ni clarence sabay turo sa amin.
"Pasensya na kayo clarence. Hindi
ako nakapag handa." tugon ni aling
minda
"Ayos lang po yun aling minda. Biglaan po kasi pagpunta namin. Sige po pasok na po muna kami, mamaya
nalang po tayo magkwentuhan
hehe" sabi ni clarence.
"Lito, ipasok mo yung mga bagahe ng sir clarence mo at ng mga kaibigan nya." sigaw ni aling minda.
"Naku aling minda kami na po ang magpapasok. Tutal konti lang naman po ang dala namin.
"Sir clarence, ako na po." sabi ni lito
"Salamat aling minda, pasok po muna kame."
"Sige, alam kong pagod kayo sa
biyahe at tsaka ipagluluto ko kayo ng sinigang na baboy." sabi ni aling minda.
"Alam na alam nyo padin yung
paborito ko aling minda mapapadami kain ko mamaya hehe. Mauna na po kami." sabi ni clarence.
"Tawagin ko nalang kayo pag
hapunan na." sabi ni aling minda.
Si aling minda nga pala ang caretaker ng rest house nila clarence. Dating yaya siya ni clarence mula pagkabata kaya malapit ang dalawa sa isat isa. Papasok na sana ako ng may nakita ako sa hindi kalayuan. Huminto muna ako at tiningnan ng mabuti.
"Oy. Aaron, anong nangyayari sayo?"
sabi ni rina sabay tapik.
"May nakita kasi ako. Nakita mo din
ba rina?" sabi ko na nakatingin sa
kakahuyan.
"Hay. Umandar nanaman yang imagination mo.. Gutom lang yan." sabi ni rina
"Baka nga. Pero may nakita talaga
ako."
"Hoy. Ano pa ba hinintay nyo? Tara
na." sabi ni clarance.
"Guni - guni lang siguro yun." bulong
ko sabay iling.
Pumasok na kami at nagpahinga. Nag ayos muna ko ng mga gamit, nagpalit ng damit at nahiga. Medyo may kalakihan din ang resthouse nila clarence. Old style ang dating nito pero makikita mo na alagang alaga ito dahil wala kang makikitang sapot o alikabok man lang. Magkakahiwalay kaming tatlo nila rina at clarence. Si clarence sa master room at kaming dalawa ni rina ay nasa guest room. Magkakadikit lang naman ang mga kwarto namin. Pipikit na sana ako ng biglang may nagsalita
"Mga iho/iha. Bumaba na muna kayo.
Nakahanda na yung hapunan." sabi ni
aling minda.
"Sandali lang po, pababa na po
kami." sabi ni clarence.
Tinatamad pa akong bumangon, pero ang akin tiyan ay sumisigaw na. Ibig sabihin nagugutom na. Bumaba na muna kami para kumain.
Habang kami ay kumakain nagkwekwento si aling minda
tungkol kay clarence. Kung ano ang
hilig nito, ginagawa nung bata siya
at iba pa.
"Alam nyo ba nung bata si clarence. Ang cute kaya nyan. Ang taba nyan. Matakaw kasi kumain hehe." biro ni aling minda
"Hindi naman po matakaw aling minda. Sadya lang po mahilig kumain haha." biro ni clarence
Tawanan kami ng tawanan at maya maya pa ay may nainag ko sa may hindi kalayuan. Parang yung nakita ko kanina.
"Sino kaya yun?" bulong ko.
Lumabas ako at sinundan yung misteryosong babae. Hindi ko na naubos ang pagkain ko at hindi ko narinig yung sabi ni aling minda na.
"Nga pala clarence, mag ingat kayo dito kasi babalita na may engkanto daw na nanliligaw ng mga tao saka dadalhin ka sa mysteryosong lugar. Yung iba hindi nakakabalik." sabi ni
aling minda na medyo nanakot.
"Aling minda naman, haka haka lang
yan at saka hindi nya kame
maliligaw. Ako pa, may mapa akong
dala palagi." yabang ni clarence
"Akala mo kung sinong matapang,
takot naman sa daga haha." sabi ni
rina.
"Aa ganon." sabay pisil ni clarence
sa ilong ni rina.
"Pikon ka talaga clarence" sabi ni
rina.
"Teka rina, nawala si aaron? san
nagpunta yun?" sabi ni clarence
"Baka nag c.r lang." sabi ni rina.
Hindi nila alam lumabas ako. Ewan
ko bat naengganyo akong sundan
yun nakita ko kanina. Na curious
kasi ko. Mahilig pa naman ako sa mystery kaya ayun sinundan ko. Pagkakatingin ko e isa siyang babae na naka blouse. Nahimasmasan nalang ako ng matapilok ako sa ugat ng malaking puno.
"Ay syete. Nasaan na ako? Saan ba
daan pabalik ng rest house nila
clarence." sabi ko na medyo
kinakabahan.
Maya maya pa ay biglang umulan ng malakas. Buti nalang at full moon. Kita ko ang daan. Agad akong humanap ng masisilungan pero nakita ko ulit yung babae kanina tumakbo ito sa mahamog na lugar? Ewan ko bat parang masama pakiramdam ko sa lugar na to. Biruin mo umuulan ng malakas e
mahamog. Wala na akong choice
kundi sundan.
Basang basa na ako. Mukang magkakasakit ako pag hindi pa ako nakasilong. Maya maya pa may nakita akong lumang bahay at nakita ko ulit yung babae. Pumasok sa loob ng lumang bahay. Puro sapot ng gagamba ang mga gilid
nito at mukang walang taong
nakatira. May konting warak na ang mga haligi ng bahay. Medyo natatakot akong sumilong
pero wala na akong magagawa.
magkakasakit ako kung hindi ako sisilong.
Agad akong sumilong at tingnan na din yung batang babae. Sa malapitan mukang pang horror movie ang lumang bahay na to. Sa
gilid may rocking chair at sa may
labas makikita mo yung lumang
swing.
"Takte. Kung hindi lang talaga umuulan hindi ako sisilong dito" bulong ko.
Nagdalawang isip ako kung papasok sa lumang bahay. "Bubuksan ko ba o bubuksan? Bahala
na si batman." sabi ko ng buong
tapang
Bubuksan ko na san pero bigla itong bumukas at bumulaga sakin ang limang paniki.
"Oh. @~#? &?!#" sigaw ko.
Napaluhod ako sa takot at nagtayuan ang balahibo. Bwisit na mga paniki. Tiningnan ko ang pinto. Loosethread na pala ito. Medyo nawala na ang kaba ko kaya tumayo na ako. Kanina nilalamig ako ngayon binalot ako ng init. Nagmasid ako sa loob ng lumang bahay.
Kung pagbabasehan mo ang labas ng bahay e masasabi mong sira sira
na din yung loob e hindi, mukang
bago pa at wala pang gumagamit
puro nga lang alikabok. Inikot ko ang bahay, wala talaga taong nakatira. Puro upuan, plato, mga weirdong painting at piano. Pag punta ko sa sala may lamesang malaki at mga upuan. Mga basong gawa sa porselana, kutsilyo at kutsara/tinidor na gawa sa pilak at sa taas, may eleganteng ilaw. Mukang bahay ito ng isang mayamang tao. Napansin ko din ang hagdanan papuntang 2nd floor. Lumakad ako papunta dun. At tumingin pataas. Anduon yung babae. Bigla itong tumakbo. Parang nakikipag laro.
Hinabol ko siya pero sa ng aapak ako ng huling baitang ng hagdan ay nadapa ako.
*BOOM*
"Araaay. Parang nabalian ata ako dun" bulong ko.
Pagkatayo ko, nagulat ako sa sumunod na nangyari. Katikan na magtama ang mga mukha namin. Meron ding dalawang segundo ng biglang nagsalita siya.
*BOOO*
Napaurong ako sa sobrang takot. Akala ko mahuhulog ako sa hagdan. Buti nalang at nakahawak ako.
"HAHAHAHAHA." sabay takbo sa dulong kwarto.
Nanginginig na ako sa takot at nerbyos. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa tong kabaliwan ko. Bigla nalang may sumagi sa aking isipan.
"Aaron, you must face your fear, if you want to be strong. Just like me. Diba gusto mo kami gayahin ng daddy mo."
"Opo mommy. I want to be strong like you mommy and daddy."
"Yan. Ganyan nga dapat. Brave boy. Tara nga dito at ihuhug ka ni mommy."
Naalala ko nung pagkabata ko sabi ng mommy ko. Face your fear if you want to be strong. Bigla akong tumapang. Tumayo ako pero ang mga tuhod ko ay nanginginig.
"Makisama kayo, pleaase..." sabay hampas sa mga paa ko.
Lumakad na nga ako, medyo kabagalan. Nakarating na ako sa dulong kwarto. Hawak ko na ang doorknob. Desisyon ko nalang ang kulang. Bumilang ako ng tatlo. Para pampaiwas takot.
*1* *2* *3*
Pagkabukas ko, medyo nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit. Sa loob nito ay may kama
na mukang wala pang humihiga, sa
dingding ay may weirdong painting at
may napansin ako kakaiba. Agad ako lumapit sa mesa. Kasi may isang
libro dun. Muka itong kakaiba.
Hinahawakan ko ito at pinagpag
dahil sa dami nitong alikabok. Nakalimutan kong sabihin may veranda nga pala sa kwarto na to. May mga halaman at mga paso. Isang batang babae pala ang kanina ko pa nakikita. May 10yrs old siya. Andun siya sa veranda Kumakanta at dinidiligan ang mga halaman.
Lumapit ako sa kanya, para pagsabihan na wag lalabas ng bahay pag gabi at iwasang mangtrip ng matatanda sa kanya dahil hindi tama. Nakalapit na ako sa kanya. Nang kakalabitin ko na siya. Nagtaka ko. Paano magkakaroon ng isang bata sa lumang bahay na to at bukod sa lahat nag iisa siya. Pagkalapit ng mga daliri ko sa balikat nya bigla siyang tumingin.
"P******** multo.!!!!"
Yung mata nito nammumula at lumuluha ng dugo. Tadtad ng saksak ang buo nyang katawan. Ang suot nyang blouse na kulay puti naging pula sa dugo at ang masama pa ang mukha nito ay naagnas na. Naalala ko bigla ang the walking dead na palabas. Sa takot ko ay tumakbo
ako ng mabilis. Parang wala ng
bukas.
"Malas na buhay to, bakit ba kasi nagtapang tapangan pa ako." takot
na takot kong sabi habang
tumatakbo.
Kumaripas ako ng takbo. Matulin pa sa kotseng bulok. Wala akong pakialam kung ano madaanan ko. Ang importante makalabas ako sa impaktong bahay na to. Nakalabas na ako ng lumang bahay ay takbo padin ako ng takbo, hindi ko na pinansin kung hinihangal ako. Malalagot na nga ata mga baga ko sa sobrang hingal. Nahinto nalang ako ng bumangga ako sa isang puno. Napa upo ako. Laking pasasalamat ko nakita ko ulit ang rest house nila clarence at hindi ko alam na nadala ko pala yung libro.
"WTF" sigaw ko..
-End of Chapter 1-