PINOYDEN.PH
Tambayan Zone > Arts and Literature
Spoken Poetry! Please Read & Learn
Reply
(1/1)
bheinteshieteh: 3 years ago
Bakit ang tao ay mapanghusga?
Bakit kapintasan mo'y laging napupuna?
Bakit lahat nalang sayo'y kinukumpara?
Bakit sa iba ika'y iginagaya?
Bakit buhay mo'y pinapakialamanan nila?
Bakit sa mundong puno ng sari-saring ganda, mga tao dito'y mapanghusga!?


Marahil ang tao ay mapanghusga base sa kanilang narinig at nakikita
Ngunit hindi ba't "hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo,
Hindi lahat ng naririnig mo ay totoo,
Hindi lahat ng sinasabi ay totoo"
Maaring sabihin sa iyong "mahal kita" ngunit hindi naman pala!
Hindi "kita iiwan" pero bukas makalawa,
Wala!  Naglaho na siya diba!
Ipakita ang effort na parang mahal na mahal ka talaga,
Pero sa huli malalaan mo nalang na may matinding pangangailangan lang pala!

Maaring sabihin kong panget ka,  ang baho mo, hindi kita gusto iparamdam sa iyong hindi ako interesado, hindi  kita mahal! Ngunit sa likod nito ang totoo pala ay ang ganda mo,  ang bango bango mo at hindi kita gusto dahil mahal kita!
Lahat ng tao may kanya kanyang dahilan sa buhay hindi mo malalaman ang katotohanan kung iaasa mo lamang sa nakikita at sasabihin ng iba!


Madalas sinasabi nila maingay si juan
At nagkataong maingay din si pedro
Kaya't ang iniisip ng karamihan pareho lang sila ng pagkatao!

Tahimik mahinhin naman tong si maria kaya't sasabihin na nilang nasa loob ang kulo, wild at ibang iba kapag hindi na natin nakikita! Ganyan tayo sa lahat ginagaya natin ang kamalian, gawain at pagkatao ng iba base sa nakikita ng ating mga mata!
Kaya tanong lang nasan po ba ang hustisya?
Nauna pa natin silang husgahan bago pa natin kilalanin kung anong puso mayroon sila!

Hindi ba't ang daming kasinungalingan ang lumalabas sa kanilang bibig kaysa sa katotohanang aking nais na ipahiwatig!

Tayo sana ay magmasid,
Pakiramdaman ang paligid,
Wag magpalinlang sa tao,
Dahil ang bawat isa ay may kanya kanyang misteryo at pananaw sa mundo!

#Hindi lahat ng tao ay kahalintulad ng inaakala niyo!~superlee
arvin55: 3 years ago
ayus hahaha magaling;)
time_splitzers: 2 years ago
Hit tnx na how nice
bheinteshieteh: 2 years ago
Thank you po.
mr.chi_20: 2 years ago
Ayus, maganda at magaling po
Pages: 1
Home | Search | Login
Page created in 0.039