PINOYDEN.PH
Tambayan Zone > Arts and Literature
ANG SWERTE NG MGA UNA NATING MINAHAL
Reply
(1/1)
vhonskall: 2 years ago
Ang swerte ng mga una nating minahal...
Minahal natin sila kung kelan tayo buo...
Ibinigay natin ang parte ng ating buhay na walang bahid ng pag-aalinlangan...
We loved them with our innocence...
Innocence sa love... sa kiss.. sa sakit.. sa sex..
Sa kanila natin unang naramdaman ang kilig..
Ang unang saya ng pag-ibig...

Ang swerte ng mga nauna nating mga minahal...
When we are all but naive...
Walang dala dalang sakit...
o poot...
o pagod...
O pagkamuhi..
O Hesitation..
At di marunong manukli ng sakit sa sakit na ibinigay...
All we had is our fairytale dream of having a partner...
A happily ever after...
A lifetime... infinity... of forever...

Ang swerte ng mga nauna nating minahal...
Na binigay natin yung wala pa tayong pinagbigyan...
Na kung saan naniniwala pa tayo sa forever...
Na kung saan wala pang pagdududa..
Na walng pagdadalawang-isip..

Ang swerte ng mga nauna nating minahal...
We let them took our age of innocence...
Our ability to trust fully...
To engage with people without hesitation to believe...
Na hindi maging doubtful..
Hinayaan natin silang hawakan ang ating puso..
Ibahin ang ating mundo...

Ngayon... sa pakiramdam natin... ay hindi na tayo buo...
Pakiramdam natin tayo ay iba ng tao..
Mahirap ng ipagkatiwala pa ulit ang salitang forever...
Mahirap na ibigay ang puso ng buo na hindi nag-iisp na baka masaktan ulit..

Pero... maswerte din tayo sa mga una nating minahal...
Dun tayo natuto...
Dun tayo lumakas...
Dun tayo mas naging mapili...
Dun tayo sumaya.... nawasak....
Naluha... nagalit... ngumiti.. umiyak...
Natutong bumangon at buuin ang sarili natin..
Nakarealize ng mga bagay-bagay..
Tungkol sa kaibigan... relasyon.. pag-ibig... sa buhay...

Maswerte ang mga susunod nating mamahalin..
Dahil alam na natin san tayo nagkamali...
Alam na natin ang ating kakulangan...
Alam na natin ang dapat higitan...
Alam na natin kung ano ang ating pagbubutihan...
Na di na tayo dapat saktan.. o manakit...
Na alam na natin ang impyerno... at gusto na natin ng langit..

Dahil ano man o sino man ang dumating,
Maswerte pa din tayo...
Kasi may nawala man sa ating pagkatao,
Meron pa ding magmamahal satin ng totoo...
At ipaparamdam na tayo ay buo...
Kahit matagal man...
O kahit saglit...
Kahit matatawag nating atin...
O tayo ay isang kapalit...
Kahit hindi laging masaya...
Kahit minsan masakit...
O kahit ano pang kahit....
Dahil ang pagmamahal ay isang emosyon.. matinding emosyon...
Na di man nating kailangang habulin,
Ay di rin naman natin dapat takbuhan....

By:pinoybutch
DatuPadido: 2 years ago
Related ako panyero. Thanks for effort.
Darkangel12: 2 years ago
All we had is our fairytale dream of having a partner...
A happily ever after...
A lifetime... infinity... of forever...


____

hindi man sa una, baka o sana sa pangalawa meron na
yun bang happy ever after
yung word na forever

sapol na sapol :clap:

poopylove: 2 years ago
Mahal na mahal kita higit pa sa inisip mo 
vhonskall: 2 years ago
Meron pa palang tao dito. Akala ko wala na. Hello sa ating mga bumibisita pa
borjvan_87: 2 years ago
Relate much
scorpio69: 2 years ago
Ang lalim ng kahulugan patusok ang tama sa puso ng matatamaan
Iamnawmi28: 2 years ago
Lalim ng hugot.
kopecool: 2 years ago
ooooh..may kurot! :rofl:
Pages: 1
Home | Search | Login
Page created in 0.028