PINOYDEN.PH
Tambayan Zone > Arts and Literature
PANGANGAPA
Reply
(1/1)
sleeperboy800: 2 years ago
Kapain mo ang himaymay ng mga musika na hindi mo marinig.
Kapain mo ang daloy ng tubig
sa batuhang walang lumot.
Kapain mo ang linyang binakat
ng mga langgam na walang mapuntahan.
Kapain mo ang kapaligirang
likha lamang ng mga guni-guni.

Kapain mo ang gabi na hiling
mo ay di na magwakas.
Kapain mo ang ang mga panaginip
na ang tauhan ay nasa realidad.
Kapain mo ang mahimbing na
pagtulog na nabubuhay sa alamat.
Kapain mo ang katahimikan
na sa iyo'y ayaw magabang.

Kapain mo ang mga salitang
makabubuo ng isang aklat.
Kapain mo kung hindi bahiran
ng kadiliman ang bawat pahina.
Kapain mo ang panulat kung
iiyak ito ng langit.
Kapain mo ang karimlan kung
siya ay muling magsasalita.

Minsan ay darating na bigla,
Minsan ay maglalaho na lamang
Ang lahat ng pangangapa.
Ang mundo nga ba ang siyang nagkamali?
O ang mga daliri mong nakalutang
sa kawalan?

Reply
Pages: 1
Home | Search | Login
Page created in 0.043