PINOYDEN.PH
Tambayan Zone > Arts and Literature
Pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo(tula)
Reply
(1/1)
Ice-Crystal: 2 years ago
 

Kapag nag aaral na raw ng kolehiyo
ay hindi na tatalakayin pa ang wikang Filipino
at sa halip ay papalitan na ng wikang banyaga
na sobra na ang impluwensya sa ating bansa
Sigurado ba sila na ang lahat ng kabataan,
ay marunong na marunong na sa ating salitang pangbayan?
O ang pagkagiliw nila ang pinagbasehan?
Sa mga "oppa" na hindi naman sila matitingnan?
Minsan ba ay naisip natin,
kung kanila rin bang gagawin,
na tanggalin sa itinuturo ang kanilang sariling wika,
At palitan ito ng wika ng ating bansa?
Saan ba magagamit ang wikang Koreano na iyan?
Sa araw araw na pakikipagtalastasan?
Kung gayon ay wala rin palang silbi ang pakikipaglaban
upang maging malaya ang ating bayan
Ang sabi ng iba ay tama na iyon
sapagkat mula elementarya'y Filipino na ang tuon,
Ngunit bakit naman ito papalitan ng banyagang wika?
Anong saysay nito sa ating bansa?
Noon ay hindi ganito ang mga tao
pinahahalagahan nila ang wikang Filipino
ngunit ngayo'y mananatili na lang ito bilang malabong anino
na unti unti nang binubura sa lipunang ito
Reply
Pages: 1
Home | Search | Login
Page created in 0.043