@ Annoyingmouse
Iniisip ko kase na what if wala pera talaga maibigay? Ganun po. Awkward mamilit po kase dahil baka dumagdag ang crime rate sa mundo katulad ng scammer sa online world po at sumali ang father ko sa mga angkan ng robbery, e baka ako pa ang dahilan sapagkat ako ang nagpressure sa father ko na bigyan ako ng money.
Although, nagkamali po ang father ko sa ginawa niya po ay consequence ng action niya kung bakit alam ko na nagsasuffer siya mentally at emotionally lalo na pagdating sa money.
Sa katunayan nga, ang kabit ng father ko ay meron money. Ang mother ko ay without money.
And oo nga po, bilang father, responsibilidad niya magbigay ng money as in. Super. But deep inside my heart, ang bigat sa loob ko na humingi ng money sa father ko. Pumapasok sa isip ko na wala na dapat ang father ko at kami na lang ng mother ko at mga kapatid ko. Tipo kami lahat ay makakasurvive without a father as long as we have money.
But then, ang personality ng mother ko is submissive, subservient at religious person. Nakasanayan ng mother ko na ang father ko ay kinakailangan magprovide ng money para sa amin lahat. Nakikita ko sa mother ko at ayaw ko tumulad sa kanya.
But oo nga talaga, pagpipilian ang two option kung hihingi ako ng money sa father ko or provide on my own, well, easy access nga naman na humingi ng money sa father ko if meron money nga naman.
Masarap kase maging successful sa dreams at ambitions na narating ang lahat without the help of a father but if left no choice, sige, lulunukin ko na lang ang pride ko kahit ang sama ng loob ko habang nanghihingi ng money sa father ko. Subok lang naman kung meron pa pera ang father ko.
Minsan ang iniisip ko kase na kapag yumaman ako, lahat ng pangangailangan ng family ko ay ibibigay ko except ang father ko, hindi siya kasama. Joke. Ang sama ko 😁 Biro lang. Hindi ko gagawin iyon.